Monday, July 14, 2008

Sino Si Combatron

Si Combatron ay original na gawa at story ni Mr. Berlin Manalaysay para sa Funny Komiks noong 90's.


Sumikat ito sa mga kabataan noon dahil sa unique, magandang concept at pagkakabuo ng story hindi lang ng bida pati na rin ng mga kontrabida mula umpisa hanggang sa pagwawakas.


Mula sa pagtatanggol sa daigdig, pagkakaibigan, pagsasakripisyo hanggang sa pag-ibig na tumatak sa puso ng kabataang Pilipino na sumabaybay kay Combatron, ito ay mananatiling malaking kasaysayan sa mga Pilipino.



Bakit si Combatron?


Si Combatron, kahit sinong tanungin ko na nasa edad ko pataas eh kilala si Combatron. Marami rin pala ang nagbabasa ng Pilipino Funny Komiks noon at isa sa pinakamatagumpay na series don na sinubaybayan nila ay Combatron. Katumbas nito ang Rockman ng Japan ngunit sa story pa lang ay Pinoy na Pinoy na ang dating.



May pahintulot ba sa orihinal na author ang gagawing revival nito sa blog na ito?


Nag-email na ako kay Mr. Berlin Manalaysay para humingi ng pahintulot na gawan ng revival sa format na parang komiks pa ren at pag-publish nito sa blog. Wala pa ring kasagutan sa ngayon mula sa kanya. Alam kong hindi biro ang gusto kong gawin. Isang malaking karangalan at pangarap na rin na matutupad ito para sa akin.



Ano ang pagkakaiba ng gagawin mo sa original na story sa komiks?


Gusto kong maging loyal sa komiks version, ayokong magalit ang mga fans sa akin. Pero kung anong ikagaganda ng story at kung makakabuting magdagdag ng pagbabago bakit hindi. Wala na sa akin ang mga komiks ko noon kaya kung ano na lang ang naaalala ko at sa tulong ng iba sana'y matapos ko ang Combatron: Space Warrior.



May background ka ba o nalalaman sa paggawa ng komiks?


Ang alam ko lang mahilig akong magdrawing at malawak ang aking imahinasyon. Puro sa computer ang ginagamit ko para makapagdrawing, CorelDraw at Photoshop ang gamit ko sa pag gawa kay Combatron.



Kelan mo ito sisimulan?


Nakaready na ung 1st issue na 3 pages. Hinihintay ko na lang ang pahintulot na gawin ito.



Anong magiging story ng Combatron: Space Warrior?


Sisimulan ko ang story at ipapakita ang original na Combatron bago pa maging Combatron si Empoy at kung paano siya naging si Combatron. May mga bagong kalaban, mga original na kalaban tulad nila Alchitran, Komikus at ang pinuno nilang si Abodawn, mga bagong kakampi ni Combatron bago dumating sina Axel, Metallica. Sa story ko, tunay na aso ni Empoy si Dobbernaut at magiging robot pa lang ito na papalit kay Askal na orihinal na aso ni Combatron. Balak kong palawakin at magfocus ng matagal bilang mortal na kalaban si Abodawn bago dumating si Death Metal sa story. Magkakaroon din ng conflict si Combatron dahil sa hindi siya purong robot at mananaig pa rin ang pagiging tao niya kaysa robot. Dahil dito magkakaroon siya ng love interest sa isang tao imbes na kay Metallica dahil sa story ko ang mga robot ay walang feelings. Sina Combatron at ang best friend nyang si Dobbernaut, na isang aso talaga noong umpisa, ang magtuturo kung anong ibig sabihin ng pagkakaibigan kina Axel at Metallica.



Anong mensahe mo sa mga fans ni Combatron?


Sa inyo rin ay humihingi ako ng pahintulot na gawin ito para sa kasalukuyang henerasyon at sana ay pagkatiwalaan at suportahan ninyo ako para sa Combatron: Space Warrior.

2 comments:

aoinkun said...

ito ang lagi kong inaabangan noong bata ako..everyweek bumibili ako ng funny komiks makita lang ung idol kong si combatron...sana magawan din xa ng animated series o movie man lang...salamat!! mabuhay po tayung lahat!!

julius said...

..wwwoooohhh ibalik naten si combatron!!!!! ..idol ko yan dati nun highschoool pa aqoh hehehe!!! -jemdi